top of page

Ang Pakikibaka sa Buhay

by Axelle Iglesia

ThSa ngiti, sa kwentuhan,
Sila’y lumapit sa isa’t-isa ng lubusan
Ako’y sumama at naging bahagi,
Kanilang lipon na ako’y nalalagi
Sa lungkot at tuwa,
Gumawa ng ala-ala
Ako’y naroon lamang,
Ngunit ‘di tunay na kabilang
Dumating ang araw ng pagliban,
Na tila may hagupit ng bagyo sa aking isipan
Sumilip ang araw nang makapiling ang aking mga magulang,
Ngunit parang isang kidlat ang mawalay sa aking inang
Lumipas ang araw, ang buwan at taon,
Panibagong kabanata ang lagi kong baon
Isa sa aking mga dasal ay mayakap ng mahigpit,
Ang isang inang minsa’y naging malapit
Sa takbo ng buhay aking napagtanto,
Ang kasiyahan ay maaaring matamo
Panibagong samahan na ‘di gaya sa nakaraan,
Ako ay tila bulaklak na umusbong sa libingan

Remove Background Preview.png
bottom of page